bayani
May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor.
Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.
Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day."
Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral.
Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.
Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa. Nanalo
na rin sila sa mga paligsahang pang-internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na makabansang mang-aawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na isang
guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.
guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.
May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.
Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
Balik sa simula Dr. Jose Rizal

Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."
Francisco Baltazar

Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.
Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.
Marcelo H. del Pilar

Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle.
Jose Palma
Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.

0 Mga Komento:
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home